Wednesday, August 26, 2009

Republic Act 9003

Ecological Solid Waste Management Act of 2000

Pamamaraan ng Pagsasaayos ng ating Basura

Step 1:

Magkaroon ng hiwalay na lalagyan (plastic bag, plastic container, sako, atbp.) para sa iba’t ibang uri ng basura sa loob ng inyong tirahan o tanggapan. (Sec. 21 & 22, RA 9003)

Step 2: Nabubulok

Ipunin at ilagay sa balde, lata o plastic container at iba pang lalagyan na may takip. I-kompost sa sariling bakuran.

· Balat ng prutas, gulay at itlog

· Hasang, bituka, at buto ng isda.

· Panis na pagkain.

· Bagaso.

· Damo, dahon, atbp.

Step 3: Recyclable

Ihiwalay ang mga basurang pwedeng gamitin uli o binibili ng mga junkshop at recycler tulad ng:

- Papel at Cardboard

  • Karton
  • Dyaryo, magasin
- Plastik

  • Pet Bottle (sisidlan ng mineral water)
  • Plastik na sisidlan ng ice cream, shampoo, toyo, suka, itlog, noodles at iba pa.
  • PVC
  • Plastik cup
- Glass

- Goma

- Metal

  • Lata ng gatas, juice, softdrinks at iba pa
  • Aluminum, bronze, bakal, copper, brass, steel at iba pa.

- Baterya ng sasakyan

- Printer ink cartridge

Step 4:

Ang mga hiwalay na papel, karton, plastic, bakal, bote at iba pang na rerecycle ay dalhin sa junkshop, buy-back center o Materials Recovery Facility.

Step 5:

Ang mga nahiwaly na mga basurang di-nabubulok na hindi na marerecycle, mapapakinabangan o maipagbibili (sachet, pouch, pakete at iba pang plastic wrappers; punit na plastic bags, cellophane at Styrofoam containers; basag na ceramics; diaper at sanitary napkin; punit-punit na basahan at tela, punit na bag at iba pa) ay dalhin at ilagay sa Mobile Garbage Bins.
Reactions:

0 comments:

Post a Comment